ORDINANSA KONTRA FAKE NEWS SA CAUAYAN, ISINUSULONG

CAUAYAN CITY – Muling dadaan sa pag-dinig ang una nang isinulong na ordinansa sa lungsod ng Cauayan noong nakaraang taong 2023 na may layuning labanan ang pagkalat ng mali o hindi totoong impormasyon o balita.

Ang nasabing ordinansya ay akda ni Sangguniang Panlungsod Hon. Paolo Eleazar Delmendo.

Nakasaad dito na ang sinomang mapapatunayang nagpapakalat ng maling balita na dahilan upang magkaroon ng public panic ay maaring maparusahan ng pagkakakulong at pagpapataw ng multa.


Sakop nito ang lahat ng mamamayan ng lungsod lalong-lalo na ang mga pangunahing tagapaghatid balita.

Kasalukuyan pang dumadaan sa proseso o pagdinig ang ordinansang ito at posibleng magkaroon pa ng mga pagbabago sa mga susunod na committee hearing.

Facebook Comments