ORDINANSA KONTRA ILEGAL NA PAGBEBENTA NG AGRICULTURAL PRODUCTS MULA SA DA, KASADO NA SA CAUAYAN CITY

Cauayan City – Aprubado na ang isinusulong na ordinansa sa lungsod ng Cauayan kaugnay sa hindi awtorisadong pagbebenta ng mga agricultural products na ibinibigay ng Department of Agriculture.

Sakop ng ordinansang ito ang pagbibigay parusa sa mga indibidwal na magbebenta o bibili ng lahat ng klase ng agricultural products na mayroong logo ng DA at marka ng “NOT FOR SALE”.

Kapag isang government employee ang nahuling lalabag sa ordinansang ito ay maaring magbayad ng P2000 multa sa first offense, P5000 sa second offense, habang sa ikatlong paglabag ay tatanggalin na ito sa trabaho.


Samantala, ang sinumang indibidwal o establishimento na mahuling magbebenta o bibili ng mga agricultural products na may logo ng DA at markang “NOT FOR SALE” ay mapapatawan naman ng P2000 multa sa first offense, P5000 multa sa second offense, habang sa ikatlong paglabag ay posibleng matanggal sila sa listahan ng mga benispisyaryo ng agricultural products mula DA o mapawalang bisa ang kanilang business permit.

Samantala, ang City Agriculture Office ang siyang itinalagang magpatupad ng rules and regulations ng nabanggit na ordinansa, at makakatuwang nila sa pagpapatupad nito ang Public Order and Safety Division Cauayan, City Business Permit and Licensing Office (CBPLO), City Information Communication and Technology Office (CICTO), at Cauayan City Police Station.

Facebook Comments