ORDINANSA KONTRA MAIINGAY NA MUFFLER NG MOTOR, PINAGTIBAY NG SP DAGUPAN

Pinagtibay na ng sangguniang panlungsod, sa pangunguna ni vice mayor bryan kua, ang ordinance no. 2335-2025 na nagbabawal sa pagbebenta at pag-install ng noisy mufflers sa lahat ng uri ng sasakyan sa lungsod.

Ang ordinansa, na inakda nina konsehal Marvin Fabia at konsehal Michael Fernandez, ay naglalayong sugpuin ang sobrang ingay na dulot ng modified mufflers at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga kalsada ng dagupan.

Nagpaalala naman ang city government sa pamamagitan ng city information social media account na habang maaga pa ay alisin na umano ng mga mga may-ari ng mga motor ang mga maiingay nilang mufflers sa nalalapit na pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

Sinumang lalabag umano na motorista man o establisimyento ay pagmumultahin at papatawan ng kaukulang parusa.

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko ang nasabing ordinansa, kabilang na ang suporta ng ilang residente na nais ng mas tahimik na kapaligiran at ang pagtutol naman ng ilan na gumagamit ng modified mufflers para sa personal na estilo at porma ng kanilang sasakyan.

Manatiling nakatutok para sa mga susunod na opisyal na anunsyo mula sa lokal na pamahalaan ng dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments