Ordinansa laban sa mga magkakansela ng food delivery, isinusulong sa Pque

Parañaque City – Isinusulong ni Vice Mayor Jose Enrico “Rico” Golez sa lungsod ang panukalang ordinansa na naglalayong maparusahan ang mga magkakansela ng order lalo kung nabayaran na ito ng rider at i-dedeliver na.

Ayon kay Golez, na siyang may-akda ng panukala, layunin niyang maprotektahan ang mga delivery rider laban sa mga customer na kunwaring o-order at magpapahatid ng grocery o pagkain pero biglang ika-kansela o hindi magpapakita.

Dagdag pa ng opisyal, madaling pasukin ng mga manloloko ang sistema ng online o phone-in delivery lalo na sa isang progresibong siyudad kagaya ng sinasakupang lugar.


“These drivers are spending their own money when they accept purchases made through online app-based platforms with the hope that the buyer would reimburse him/her along with the delivery fee. In fact, app-based delivery companies charge these delivery drivers certain amount once a purchase request is made,” anang bise-alkalde.

“However, once the driver gets scammed, he/she alone shoulders the burden. We in the City of Parañaque would not tolerate that,” pagpapatuloy niya.

Kapag naaprubahan, makukulong mula anim hanggang isang taon at pagmumultahin ng hanggang P5,000 ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa.

Facebook Comments