Manila, Philippines – Hihilingin ni Manila Mayor Isko Moreno sa konseho ng Maynila na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa pagsusuot ng mga bagay na maaaring mag-cover ng identity ng isang indibidwal na pumapasok sa mga bangko.
Ang pahayag ni Moreno ay kasunod ng panloloob ng 5 lalaki sa branch ng Metrobank sa Binondo, Maynila.
Ayon kay Moreno, sa ilalim ng nasabing ordinansa ay ipagbabawal ang pagsusuot ng mga helmet, sumbrero, sun glass, face mask maliban kung maysakit at iba pang bagay na maaaring mag-cover ng identity ng isang indibidwal bata man o matanda kapag pumapasok sa mga bangko, sanglaan at iba pang financial institutions sa lungsod.
Isusulong ni Moreno na ipataw na parusa sa mga lalabag rito ay pagpapasara ng establisyimento.
Facebook Comments