Umiiral ngayon sa isang barangay sa Dagupan City, Pangasinan ang isang ordinansa na bawal magsampay o magsabit at maglagay ng bagay san a nakakasira sa paningin sa lugar o kalsada na nadadaanan ng mga tao at sasakyan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Kapitana Salve Bravo ng Barangay Hererro-Perez, Dagupan City, ay kanila umanong ipinasa ang naturang ordinansa dahil nakakasira umano sa paningin ng mga tao at mga sasakyang dumadaan sa kanilang barangay road.
Ayon pa sa kanya, hindi naman umano sila nahirapan na ipatupad ang ordinasa dahil kinausap nama nila ang kanilang mga kabarangay na mayroong ganitong ordinasa na umiiral dahil para rin umano sa 3K o kagandahan, kabutihan at kaayusan na ipinapatupad sa kanilang barangay.
Kaya’t pakiusap nila sa mga residente na sumunod na lamang sa ordinansa upang hindi mapatawan ng kaukulang penalty.
Samantala, ang naturang ordinansa ay batid na ng mga dumadaan sa lugar dahil bubungad na sa kanila ang malaking tarpaulin na napaskil upang ipaalam sa mga residente ang mga umiiral na ordinasa sa naturang barangay.