Ordinansa para magkatoon ng first aider ang bawat business establishment, pinapabuo sa konseho ng Maynila

Ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno ang pagpapasa ng ordinansa na magre-require sa lahat ng business establishment na may sampung empleyado pataas na magkaroon ng isang certified first aider.

Isinulong ito ng alkalde sa ginanap na board meeting ng Philippine Red Cross (PRC) Manila Chapter kung saan pormal din siyang nanumpa bilang Honorary Chairman.

Ayon kay Moreno, mahalagang mayroong certified first aider sa bawat establisyemento.

Ito’y upang mabilis na makaresponde sa anumang emergency situation kung saan paghahanda rin ito sa sinasabing “The Big One”.

Aniya, magagamit din ng first aider ang kaalamang ito hindi lamang sa oras ng sakuna, kundi sa araw-araw na sitwasyon sa lugar ng trabaho.

Inaasahan ng alkalde na makakapagpasa na ang konseho ng Maynila ng nasabing ordinansa para na rin sa kaligtasan ng mga empleyado sa mga pribadong kumpaniya.

Facebook Comments