Ordinansa para sa mga Solo Parent, Pasado na sa Ikalawang Pagbasa!

46

*Cauayan City, Isabela-* Umaasa ang mga solo parent sa lungsod ng Cauayan na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng konseho sa susunod na sesyon ang ordinansang sumesentro para sa mga kababaihan o kalalakihan na mag-isang itinataguyod ang kani-kanilang mga anak.

Batay sa ipinanukalang ordinansa ni City Councilor Garry Galutera, ito ay upang mabigyan ng tulong ang mga single parent na maitaguyod ang kanilang mga anak sa pang-araw araw na pamumuhay.


Nakapaloob sa kanyang panukala na mapagka-kalooban ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng livelihood program at mabibigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak.

Sa ngayon nasa mahigit 300 na mga mahihirap na solo parent sa Lungsod ng Cauayan na walang kakayahang tugunan ng sapat ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Sa ngayon ay naipasa na sa ikalawang pagbasa ang nasabing ordinansa para sa mga solo parent sa Lungsod.

Facebook Comments

From Advertisers