ORDINANSA PARA SA PINALAKAS NA LOCAL EMPLOYMENT, ISINUSULONG SA TAYUG

Isinusulong sa bayan ng Tayug, Pangasinan ang isang ordinansa na magbibigay ng mas malaking prayoridad sa mga lehitimo at kwalipikadong residente ng Tayug sa pagkuha ng trabaho.

Nakatakdang isailalim sa public hearing ang draft Municipal Ordinance No. 2025-008, o ang “Tayug Local Employment Priority Ordinance,” na naglalayong tiyakin na ang mga residente ang unang mabibigyan ng oportunidad sa trabaho sa loob ng bayan.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente, negosyante, at iba pang stakeholder na dumalo sa pagdinig upang maibahagi ang kanilang mungkahi at suportahan ang layuning mapalakas ang lokal na employment sa Tayug.

Facebook Comments