Ordinansa sa hindi pagsusuot ng facemask sa Cebu sususpendihin ayon sa DILG

88

Nakausap na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., ang local na pamahalaan ng Cebu kaugnay sa implementasyon ng Executive Order No. 5 series of 2022 o yung hindi obligadong pagsusuot ng facemask.

Ayon kay Sec. Abalos pumayag na si Mayor Mike Rama na pansamantalang itigil ang nasabing kautusan.

Sa ngayon nananatiling nasa national health emergency ang bansa kaya’t hinimok ang mga Local Government Unit (LGU) na magkaisa sa pinatupad na panuntunan upang maging ligtas ang bansa sa COVID-19.


Kapag gumanda na ang sitwasyon mula sa banta ng COVID-19 nais ni Abalos na gawin ang pilot implementation ng hindi pagsusuot ng facemask sa Cebu lalo’t sila ang unang nakagawa nito.

Nananawagan si President Ferdinand ‘BongBong’ Marcos Jr., sa mga Pilipino na maging vigilante at sumunod sa mga pinapatupad na safety health protocol.

Facebook Comments