Ordinansa sa Pagadian laban sa paninigarilyo, tatalakayin ngayong araw

Pagadian, Philippines – Aasahang tatalakayin ngayong araw sa Sangguniang Panglungsod ang bagong Anti-Smoking Ordinance ng Pagadian.

Sa panayam ng RMN kay Councilor Maphilindo Obaob, bahagi ito bilang suporta sa Executive Order 26 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar kasama na ang mga sasakyan sa buong bansa.

Sinabi rin ni Obaob na may umiiral na ordinansa ukol dito sa lungsod ngunit hindi naipapatupad.


Plano rin ni Obaob na isama sa bagong Anti-Smoking Ordinance ang pagbabawal sa possession ng anumang tobacco product, kabilang ang electronic cigarette gadget.

DZXL558, Kenneth Bustamante

Facebook Comments