Ganap ng batas ng lokal na pamahalaang ng Mandaluyong ang pagpaiksi ng oras ng cufew sa lungsod.
Ito’y matapos na lagdaan ni Mayor Menchie Abalos ang City Ordinance No. 783, Series of 2020 na binalangkas ng Sangguniang Panglungsod.
Batay sa nasabing ordinansa, inamyendahan nito ang section one ng na unang curfew ordianance kung saan ang oras ay mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga noong panahon ng Enahance Community Quarantine (ECQ).
Sa bagong ordinansa ay pinaiksi ito, kung saan magsisismula ang bagong curfew hour ng alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga habang umiiral naman ang General Community Quarantine (GCQ).
Nakasaad din sa bagong ordinansa na ito ay para bigyang-daan ang mga manggagawa na maaaring makauwi sa kanilang mga tahanan bago mag-alas 10:00 ng gabi dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.