Cauayan City, Isabela- Ipinasa na ng konseho ang isa sa mga Ordinansang ipinanukala ng lungsod ng Cauayan o ang Branding of Large Cattle sa isinagawang session sa lungsod ng Cauayan.
Ito ang inihayag ni Sanguniang Panlungsod Edgardo Atienza Jr. sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.
Dahil umano sa iniinda ng mga magsasaka ang bayad na limang daan at limang pisong branding o pagpapatatak sa mga baka at kalabaw ay naisipan umano nila na ibaba sa tatlong daang piso kung saan ay nasa dalawang daan at siyamnapu’t limang piso ang bayad para sa branding at limang piso naman para sa Certification of Ownership.
Ayon pa kay SP Atienza Jr., mabilis umanong inaprubahan ng konseho dahil sila mismo ay gustong ring mabigyan ng discount ang mga nag-aalaga ng baka at kalabaw at hinihintay na lamang umano ang pagpirma ni City Mayor Bernard Dy.
Ipapatupad na umano ito kapag nabigyan na ng kopya ang lahat ng mga barangay ng lungsod at mga barangay kapitan maging ang mga Department heads na may kinalaman sa branding.