Baguio City – Isinusulong ng isang barangay ang ordinansang nagbabawal na sa pagtsi-tsismis habang may isa pang barangay na nais ipagbawal ang pagsasampay at pagpapatuyo ng underwear.
Ito ay matapos aprubahan ng upper quarry ang kautusang nagbabawal sa pag-tsimis sa kanilang barangay habang pinagtibay ng holy ghost proper ang batas na walang makikitang nakasampay na underwear sa kanilang nasasakupan.
Subalit ang dalawang ordinansa ay hindi nakalusot sa Baguio City Council.
Ayon kay Baguio City Vice Mayor Edgardo Bilog – ipinabalik ang mga panukalang ordinansa sa mga barangay para ito ay muling pag-aralan.
Matatandaang, nagpasa ng ordinansa sa lungsod na ipinagbabawal ang pagmumura sa publiko lalo na sa mga lugar na may maraming populasyon ng mga bata.