Ordinansang Pagsusuot ng ‘Wristband’, Ipatutupad sa Lal-lo, Cagayan

Cauayan City, Isabela- Aprubado na sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Lal-lo sa Cagayan ang Ordinance no. 43 series of 2021 o ang Color-Coded Identification Wristband Ordinance kamakailan.

Ayon kay Vice Mayor Ma. Olivia Pascual sa panayam ng isang local radio station sa Cagayan, layunin ng ordinansa na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa naturang bayan sa paglalagay ng “wristband” sa mga probable, suspected at positive case na bahagi ng assessment ng Operation center.

Sa naturang ordinansa, kulay ‘green’ ang ipapasuot ng mga personnel ng COVID Operation Center para sa mga indibidwal na naghihintay ng resulta ng kanilang swab test samantalang kulay ‘blue’ naman para sa mga ‘on strict home quarantine’ o mga indibidwal na galing sa mga lugar na mataas na bilang ng kaso.


Habang kulay ‘pula’ naman para sa mga COVID-19 positive na indibidwal na kaagad namang idinadala ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga nakatalagang isolation facilites upang masiguro na walang positibong indibidwal ang nasa loob ng kanilang bahay.

Sa pamamagitan nito ayon sa bise alkalde, matutulungan ang LGU sa pagmonitor sa isang indibidwal kung sakaling makitang pagala-gala habang ang kasalukuyan ang paghihintay na lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Dahil sa ordinansa, mapapabilis ang gagawing pagre-report ng mga taong makakapansin ang may suot na wristband at makapagbigay ng agarang aksyon ang lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ng opisyal na hindi basta-basta natatanggal ang wristband dahil matibay ito at kyng sakali man na magagawang sirain ng may mga suot nito ay agad naman itong matutukoy ng mga tauhan ng Operation Center.

Sa ilalim ng ordinansa, magbabayad ng P2,500 o maaaring makulong sa loob ng 30 araw ang mga indibidwal na mapapatunayang lalabag sa ordinansa.

Facebook Comments