Ordinaryong pilipino, talo sa Tax Reform Program

Manila, Philippines – Nagbabala ang MAKABAYAN Bloc sa publiko na ang mga ordinaryong Pilipino ang talo sa ginawang pagpapasa kagabi sa House Bill 5636 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang panalo sa panukalang ito sa oras na maging ganap na batas ay ang gobyerno at ang mayayaman.

Tinatarget kasi ng tax reform ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo, pagtatanggal ng tax exemption sa ibang mga sector, VAT sa ilang mga produkto at serbisyo na tiyak na tatama sa mga mahihirap ang negatibong epekto.


Inaalala naman ni ACT Teachers rep. Antonio Tinio ang mga walang trabaho na papasan sa mga dagdag na buwis.

Tiyak aniyang tataas ang mga bilihin at pamasahe dahil sa dagdag na excise tax sa petroleum products.

Humirit naman si Kabataan Rep. Sarah Elago sa pamahalaan na pagibayuhin ang pangongolekta ng buwis sa mga mayayaman at malalaking korporasyon.
DZXL558

Facebook Comments