Ordinaryong Pinoy hindi nakikinabang sa pagganda ng ekonomiya ng bansa – TUCP

Hindi nakakasabay ang mga ordinaryong Pilipino sa pagganda ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Alan Tanjusay ng ALU-TUCP, tanging kapitalista  lamang ang kumikita sa panahon ngayon.

Kasabay nito hinamon ng ALU-TUCP ang mga negosyante na maglabas ng ebidensya na magpapatunay sa anggulong pagsasara ng kumpanya kung ibibigay ang karagdagang 700 pesos na sahod.


Sa ngayon 517 pesos ang minimum wage sa sahod na kung ipangbibili ng pagkain at pambayad sa mga serbisyo ay hindi sasapat.

Facebook Comments