ORG-ARMM, nag-donate ng mga libro sa Regional Library!

Sa pamamagitan ng Gender and Development Focal Point System (GFPS), ang
Office of the Regional Governor-ARMM ay nagbigay ng mga aklat at iba pang
reading materials na may kaugnayan sa kababaihan sa ARMM Regional Library.

Ito ay inisyatibo ni ORG-ARMM chief of staff Norkhalila Mae B.
Mambuay-Campong.

Ang mga libro at iba pang mga babasahin ay tumatalakay sa iba’t-ibang paksa
hinggil sa pagiging ina at magulang, health and wellness, organizing,
pag-ibig, personal development at marami pang iba na ukol sa Gender and
Development (GAD) Corner.


Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ORG-ARMM ng National Women’s Month at ng
59th Public Library Day.

Facebook Comments