Mula sa version 2008 ay ini-upgrade ang ISO 9001 certification ng Office of the Regional Governor-ARMM sa version 2015 matapos ang dalawang araw na audit na isinagawa ng TUV Rheinland Philippines Inc.
Ang ISO 9001 ay international standard na tumutukoy sa mga rekisito para sa quality management system (QMS).
Ang 2015 version ay mas magbibigay diin sa mga documented information at risk-based management.
Sinabi ni ORG Chief of Staff and Quality Management Representative for ISO Norkhalila Mae Mambuay-Campong, ang matagumpay na transition ng ISO certification ng ORG ARMM ay patunay ng kakayahan ng human resource nito, anya, “Ang Bangsamoro ay pang-world class.”
Sinabi pa ni Campong na ang workforce ng rehiyon ay handa at may sapat na kakayahan upang mapanatili o mas mapahusay pa ang kalidad ng kanilang trabaho para sa Bangsamoro people.
ORG – ARMM nakatanggap ng ISO 9001:2015 Certification!
Facebook Comments