Organic rice, isusulong ng MinDA

Makikipag-partner ang Mindanao Development Authority (MinDA) sa isang seed company at isang farmers cooperative para isulong ang organic rice production, kabilang ang brown, black rice at premium quality rice.

Ayon kay MinDA chairperson Manny Piñol – nais nilang suportahan ang mga magsasaka ang apektado ng bumababang presyo ng palay dahil sa rice tariffication law.

Kailangang maghanap ng alternatibo ang mga magsasaka para tumaas ang kanilang kita tulad ng pagpapalago ng bigas na hinahanap ng foreign markets.


Sa ilalim ng kasunduan, tutulungan ng MinDA ang Mindanao rice farmers sa pag-e-export ng 5,000 metric tons ng bigas.

Sinisilip na rin ng MinDA ang iba pang markets gaya ng Estados Unidos at gitnang silangan para sa premium rice varieties.

Facebook Comments