ORGANISADONG FOOD STALLS PARA SA PISTA SA SAN JACINTO, PINAGHAHANDAAN NA

Pinulong ng Sangguniang Bayan ang mga may-ari ng food stalls sa San Jacinto bilang paghahanda sa nalalapit na pista at upang maiwasan ang kalituhan sa operasyon ng mga aktibidad.

Tinalakay sa pagpupulong ang maayos na paglalagay ng mga puwesto, gayundin ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa kalinisan at seguridad.

Ayon sa mga opisyal, layunin ng pulong na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga manlalako at matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagkuha ng puwesto. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos ang daloy ng mga mamimili kasabay ng pag-arangkada ng mga nakahanay na aktibidad.

Dahil dito, inaasahan ng lokal na pamahalaan na magiging organisado at ligtas ang food strip para sa lahat ng dadalo sa 2026 Town Fiesta ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments