ORGANISADONG PAGDAOS NG UNDAS, TARGET NG LGU MAPANDAN

Target ng lokal na pamahalaan ng Mapandan na maging organisado at mapayapa ang pagdaraos ng Undas sa buong bayan.

Ayon sa tanggapan, nakatalaga sa loob at labas ng tanggapan ang kapulisan at iba pang personnel para makontrol ang dagsa ng tao at maiwasan ang siksikan na posibleng magdulot ng panghihina o pagkahilo sa ilang bibisita.

Isa rin sa tututukan ay ang daloy ng trapiko lalo na sa bahagi ng sementeryo upang maging maluwag ang daan para sa mga papasok at paalis sa lugar.

Tutulong rin sa pagtutok ang volunteer at force multipliers upang mas maging epektibo ang pagpapanatili ng kaayusan at ng seguridad sa araw ng Undas.

Matatandaan na kamakailan ay binatikos ng ilang residente ang pagpapaupa ng stalls sa harap ng sementeryo para sa mga manlalako dahil hindi rin umano mga residente sa bayan ang napapaboran sa pwesto kahit nakapagbayad ng permit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments