Organized crime groups, pinatututukan ng liderato ng PNP

Binigyang direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang National Support Unit ng PNP na paigtingin pa ang kanilang operasyon kontra organized crime groups.

Kasunod na rin ito ng sunod-sunod na pananambang sa mga pulitiko kung saan nito lamang nakalipas na bwan ng Pebrero ay hindi bababa sa apat ang naitalang ambush incident ng mga awtoridad.

Ayon kay Azurin, pinatututukan niya ang mga organized crime group sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa kalakhang Maynila.


Nais ding malaman ni Azurin kung may pattern ba ang serye ng pananambang upang matukoy kung sino man ang nasa likod nito.

Samantala, binigyang diin nito na hindi magkakaugnay ang mga nakalipas na ambush sa mga politiko dahil posibleng magkakaiba ang motibo sa krimen.

Maituturing din aniya itong isolated cases lamang at hindi dapat ikaalarma ng publiko.

Facebook Comments