Naniniwala si Senate President Tito Sotto III na mayroong ‘organized group’ sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasa likod ng pagpapalaya sa daan-daang convict kapalit ng milyu-milyong piso.
Ayon kay Sotto, kukumpirmahin nila sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ngayong araw kung “existing” ang grupong ito.
Nakatanggap sila ng ulat na ang pagpatay sa BuCor records official na si Ruperto traya noong August 27 ay may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga high-profile inmates at convicted Chinese Drug Traffickers sa new bilibid prison.
Alam na aniya ni Sen. Ping Lacson ang impormasyong ito.
Aniya, posibleng may sabwatan sa pagitan ng mga convict na gustong makalaya at ng mga tiwaling BuCor officials.
Nais nilang malaman kung sino ang nagtext sa asawa ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na makakalaya na ito.