Organized trolls, maituturing na “weapons of mass distraction”

Itinuturing ni Senator Joel Villanueva na “weapons of mass distraction” ang organized trolls na itinatag para magkalat ng maling impormasyon para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.

Paliwanag ni Villanueva, ito ay dahil nagtatanim sila ng binhi ng kasinungalingan na nahihinog at inaani ng mga kababayan nating nalinlang sa akala nila ay katotohanan.

Giit ni Villanueva, ang pagpapalaganap ng fake news ay mayroong malubhang kahihinatnan.


Dahil dito ay umaapela si Villanueva sa lahat ng political organizations na kondenahin ang mga troll farms at magtulong-tulong upang buwagin ang mga ito.

Kaisa si Villanueva sa nagsusulong na imbestigahan ng Senado ang diumano’y paggamit ng pondo ng gobyerno para sa mga troll farms sa halip na gastusan ang mga programa para sa COVID-19 assistance, healthcare, food security, jobs protection, education at iba pa.

Facebook Comments