Organizer ng Hatid Tulong Program sa LSIs, dapat tulungan sa halip na batikusin

Umapela si Senator Christopher Bong Go na tulungan sa halip na batikusin ang organizer ng Hatid Tulong Program para sa mga Locally Stranded Individual (LSI) na nagsisiksikan ngayon sa Rizal Memorial Complex.

Tinukoy ni Go ang pahayag ni Hatid Tulong Initiative Convener Assistant Secretary Joseph Encabo na kahit marami ay ipinasok nila lahat ang mga LSI sa Rizal Memorial Baseball Stadium kaysa manatili sa lansangan, kung saan sila ay nababasa ng ulan o kaya ay nabibilad sa araw.

Ayon kay Go, nakakaawa ang sitwasyon ng mga LSI na ang tanging gusto ay makauwi sa kanilang lalawigan kaya’t maging siya ay tumutulong na rin sa mga ito.


Nilinaw naman ni Go na inisyatibo ng iba’t ibang ahensiya ng national government ang pagtulong sa mga LSI na makauwi sa kanilang lalawigan base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaalala naman ni Go, na tiyaking nasusunod ang health protocols laban sa COVID-19 habang ginagawa ang pagtulong sa mga LSI.

Facebook Comments