Kakasuhan ng mga organizer ng Binalonan Christmas Bazaar ang negosyanteng pinawalang bisa ang kontrata dahil sa pagpapakalat ng mali at mapanirang impormasyon sa social media.
Kasabay ng naturang hakbang ng lokal na pamahalaan ang paglilinaw sa isyu matapos tanggalin bilang kalahok ang naturang indibidwal sa Christmas Bazaar dahil umano sa paglabag sa mga itinakdang patakaran.
Batay sa ulat, ang pagtanggal sa kontrata ay bunsod ng patuloy na hindi pagsunod ng kalahok sa mga alituntunin at ng umano’y pagiging bastos sa mga miyembro ng task force habang ginagawa ang kanilang tungkulin.
Nabatid din na lumabag umano ang naturang indibidwal sa Data Privacy Act of 2012 matapos mag-post sa social media ng mga dokumentong may lagda ng mga opisyal nang walang pahintulot.
Ayon sa LGU, gagamitin ang mga nakuha nilang ebidensya sa isasampang reklamo.
Kasabay nito, nanawagan ang pamahalaang lokal sa publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon at hintayin ang mga opisyal na pahayag hinggil sa naturang usapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









