Organizers ng mga community pantry, dapat makipag-ugnayan sa LGUs bago magbigay ng ayuda

Pinayuhan Malakanyang ang mga organizer ng community pantries na makipag-ugnayan muna sa Local Government Units (LGUs) bago magbigay ng ayuda sa Metro Manila na nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kailangang aprubado muna ng LGU ang isang community pantry.

Bagama’t naiintindihan ang pagkakaroon ng humanitarian relief para matulungan ang mga walang pangbili ng pagkain, sinabi ni Roque na dapat ay dumaan pa rin ito sa tamang proseso.


Papayagan naman ito ng mga LGU at pagkatapos ay magtatalaga ng kung saang lugar upang maipatupad ang health protocols.

Facebook Comments