
Pormal nang nagsimula sa Sandiganbayan Sixth Division ang nagpapatuloy na bail hearing ng siyam na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–MIMAROPA.
Humarap ang mga akusado sa kasong malversation kaugnay ng umano’y maanomalyang ₱289 milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ngayong araw, nakatakdang tumestigo para sa panig ng prosekusyon si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor, na maagang nagtungo sa Sandiganbayan.
Bago magsimula ang pagdinig, iginiit ni Dolor na ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa lahat.
Sa kasalukuyan, sumasailalim na ang gobernador sa pagtatanong ng kampo ng mga akusado.
Facebook Comments










