Orientation at monitoring activities tungkol sa African Swine Fever, aktibong isinasagawa sa Eastern Samar Provinces ayon DA

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na dalawampu’t tatlong munisipalidad at siyudad sa Eastern Visayas ang apektado na ng African Swine Fever (ASF).

Sa ulat ng DA, ang mga bagong kumpirmadong kaso ay naiulat sa Sta. Rita sa Samar, Catbalogan City, Dolores sa Eastern Samar at San Miguel sa Leyte.

Paliwanag ng DA, mas pinaigting pa ng DA-Regional Field Office 8 ang paglulunsad ng mga orientation at monitoring activities tungkol sa ASF.


Partikular na ipinatupad na ang mga aktibidad sa Dolores, Catbalogan City, Sta. Rita at sa lalawigan ng Samar at ginagawa ito ng DA sa tulong ng Provincial Veterinary Offices.

Tinuturuan ang publiko tungkol sa mga protocol lalo na sa tamang depopulation procedures, border controls at paglalagay ng mga command center na mahalaga sa pagkontrol at pamamahala ng ASF upang hindi na makaapekto sa mga kalapit na lugar.

Facebook Comments