Thursday, April 9, 2026

Orientation Session para sa learning system reform sa sektor ng edukasyon, sinimulan na kahapon

Kasado na ang orientation session ng Department of Education (DEPED) sa mga school leader at guro sa buong bansa para sa mga reporma na ipatutupad sa mga paaralan.

Sinumulan ito sa Miriam College sa Quezon City kahapon, April 8 na dinaluhan ng mga educational official at stakeholders.

Kabilang sa mga tinalakay dito ay ang three-term school calendar na sisimulan sa School Year 2026–2027; mga binagong guidelines sa classroom assessment at grading system: at ang pinalakas na Senior High School curriculum.

Maliban diyan ay tinalakay rin ang flexible learning programs; learning continuity oras na may emergency; work immersion at off-campus learning ng mga Senior High School student; at ang updated guidelines sa lesson planning.

Layon ng orientation session na masigurong nauunawaan ng mga guro at opisyal ng mga iskwelahan ang mga bagong polisiya bago magsimula ang bagong school year.

Facebook Comments