Original video ng Paniqui shooting, gagamiting ebidensya; mga saksi sa insidente, nag-aalangang tumestigo – PNP

Susubukan ng mga awtoridad na magamit ang original video ng malagim na pagpatay sa mag-iina sa Paniqui, Tarlac bilang ebidensya sa korte.

Pero ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas, may ilan sa mga nakasaksi sa pagpatay kina Sonya at Frank Gregorio kabilang ang taong kumuha ng viral video ang nag-aalangang tumestigo sa korte.

Sinabi ni Sinas na kakausapin nila ang ibang testigo na humarap sa korte dahil ang video ay matibay na ebidensya laban sa suspek na si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca.


Ang mga menor de edad na nakakita ng pagbaril sa mga biktima ay sasailalim sa psychosocial internvention at counseling.

Facebook Comments