Orlando Magic, may pag-asa pang makapasok Eastern Conference

May pag-asa pang makapasok ang Orlando Magic sa Eastern Conference finals ng NBA Play-offs.

Ito ay matapos manalo laban sa Miami Heat sa iskor na 104 – 99.

Ayon kay Magic coach Steve Clifford – bagamat nahirapan sila sa simula ng laban dahil sa pagiging agresibo ng Heat, nakabawi naman sila dahil kailangan nilang manalo.


Nakapagtala ng record sila Magic players Nikola Vucevic ng 24 points at Jonathan Isaac ng 19 points.

Habang nasayang ang 26 points ni Dion Waiters at 22 points ni Dwyane Wade ng Heat.

Sa ngayon, nasa top 8 ang Magic habang ang Heat ay nasa pang-siyam na pwesto sa team standing.

Facebook Comments