Ormoc City Diversion Road, 42% nang tapos

Nasa 42 porsyento nang tapos ang ginagawang diversion road project sa Ormoc City.

Oras na matapos, magiging 4 na kilometer na lamang ang dating 11-kilometer distance sa pagitan ng San Juan, Ormoc at Naungan Village.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi lamang ito magsisilbing alternatibong ruta para maibsan ang traffic sa mga highly congested area dahil makakatulong din ito para mapalakas ang ekonomiya sa mga under-developed areas.


Target na tapusin ang proyekto sa 2023.

Facebook Comments