Ormoc City, Leyte, patuloy na nakararanas ng aftershocks

262

Ormoc City, Leyte – Patuloy na nakakaranas ng aftershocks ang Ormoc City, Leyte matapos tamaan ng 6.5 magnitude na lindol nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang 3.4 magnitude na pagyanig kaninang pasado alas-12 ng tanghali.

Nabatid na tectonic pa rin ang pinagmulan ng lindol.


Sa ngayon ay nakapagtala na ang PHIVOLCS ng 574 aftershocks.

Wala namang naitalang pinsala sa pagyanig.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments