Inilunsad sa Mangaldan ang oryentasyon sa pag-aampon at alternative child care programs na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pakikipagtulungan ng National Authority for Child Care – Regional Alternative Child Care Office (NACC-RACCO) I.
Tinalakay sa oryentasyon ang mahahalagang aspeto ng Domestic Adoption at Alternative Child Care Act, kabilang ang proseso ng pre-adoption forum, documentary requirements, assessment, at ang Foster Care Program.
Napag-usapan din ang mga kaugnay na batas sa adoption, intercountry adoption, simulated birth certificate, foster care, at foundling recognition.
Nagkaroon ng open forum at question-and-answer session para tugunan ang mga katanungan at sitwasyon hinggil sa pag-aampon, kung saan binigyang-pansin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng programa sa pagpapatibay ng pundasyon ng pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







