Oscar Awards na gaganapin ngayong araw, all-set na

Abala na ngayon para sa last minute preparations ang mga mayroong papel sa 93rd Academy o mas kilala bilang Oscar Awards na gaganaping ngayong April 25 sa Los Angeles o araw ng Lunes (Manila time).

Una nang naiulat na magiging limitado lamang sa mga nominado, presenters at mga piling bisita, ang mga papayagang makadalo ng personal sa seremonya.

Ayon sa organizer ng Oscars, lahat ng mga pinayagang makapunta ay sasailalim sa COVID-19 testing sa mismong gabi ng parangal na gaganapin sa Union Station sa Downtown Los Angeles.


Nabatid na nanguna ang pelikulang “Mank” sa may pinakamaraming nominasyon na mayroong 10, pangalawa ang “The Father” at sinundan na ng “Judas and the Black Messiah,” “Minari,” “Nomadland,” “Promising Young Woman,” “Sound of Metal,” at “The Trial of Chicago 7.”

Noong 2020, best picture ng Oscars ang black comedy thriller film na “Parasite” ng South Korea.

Facebook Comments