Oscar De La Hoya, nagpositibo sa COVID-19; laban kay Belfort sa September 11, kanselado!

Hindi na matutuloy ang nakatakdang comeback fight ni Boxing Great Oscar De La Hoya matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Inanunsyo mismo ito ng 48-year old American professional boxer sa kanyang Twitter.

Sa video na kuha habang siya ay nasa ospital, sinabi ni De La Hoya na kahit fully vaccinated na at labis ang pag-aalaga sa sarili ay dinapuan pa rin siya ng virus.


Aminado ang boksingero na dismayado siya lalo’t ilang buwan din niyang pinaghandaan ang laban.

Sa Setyembre 11 sana ang nakatakdang laban nito kay Brazilian Mixed Martial Arts Champion Vitor Belfort sa Staples Center sa Los Angeles.

Facebook Comments