Ipinagpaliban muna ang gaganaping Oscars Award sa 2021 dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Ayon sa ulat, mula sa dating Pebrero 28, 2021 ay nagpasya ang mga organizers na gawin na lamang ito sa Abril 25, 2021.
Pinalawig din ng organizers ang deadline ng pagsumite ng mga kalahok mula Disyembre 31, 2020 hanggang Pebrero, 2021… habang i-aanunsiyo naman sa Marso 15, 2021 ang mga nominations.
Sa ngayon, tatlong beses lamang na naurong ang petsa ng Oscars sa buong kasaysaysan nito; una ay noong 1938 dahil sa pagbaha sa Los Angeles; pangalawa noong 1968 dahil sa assassination ni Dr. Martin Luther King at ang attempted assassination ni US President Ronald Reagan noong 1981.
Facebook Comments