OSG at DOJ, inatasan ni PRRD na rebyuhin ang lahat ng kontratang pinasukan kasama ang loan agreements ng bansa sa China

Pinare-review ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Office of the Solicitor General (OSG) at sa Department of Justice (DOJ) ang lahat ng kontratang pinasukan ng gobyerno kabilang ang loan agreements sa China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – inatasan ng Pangulo sina SolGen Jose Calida at Justice Secretary Menardo Guevarra na silipin ang mga kontrata ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya o ibang bansa upang malaman kung ito ba ay may paglabag sa konstitusyon at hindi makabubuti sa mamamayan.

Hindi binanggit ni Panelo kung ilang kontrata ang ire-review.


Sinabi ni Guevarra na ipaprayoridad ang mga concession agreements sa public utilities at foreign loan contracts.

Facebook Comments