OSG, humirit sa Korte Suprema ng gag order sa ABS-CBN franchise

Humirit ang Office of the Solicitor General o OSG sa Korte Suprema na maglabas ng “gag order” kaugnay sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa Very Urgent Motion for Issuance of Gag Order, hiniling ni Calida na maglabas ng gag order ang Korte Suprema para pagbawalan ang mga partido o ang mga kumakatawan sa ABS-CBN na maglabas ng anumang statement na tumatalakay sa isyu ng prangkisa ng natural kumpanya.

Petitioner si Solicitor General Jose Calida at respondents ang ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence Inc.


Binanggit din ng OSG ang mga post sa social media ng mga artista at talents ng ABS-CBN na may opinyon sa petition for quo warranto.

Ayon sa OSG, paglabag ito sa sub judice rule dahil may nakabinbing judicial proceeding.

Magugunitang noong February 10 naghain ng quo warranto petition ang SolGen laban sa ABS-CBN Corporation at subsidiary nito na ABS-CBN Convergence Inc.

Nais ng SolGen na ipawalang bisa ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa aniya’y nadiskubreng pang-aabuso sa prangkisang pinagkaloob ng gobyerno.

Noong February 11 ay iniutos ng en banc ng Korte Suprema na magkomento ang respondents sa loob ng smapung araw.

Facebook Comments