OSG, itinanggi ang mga akusasyon ni VP Robredo at Rappler

Itinanggi ng Office of the Solicitor General (OSG) ang patutsada ni Vice President Leni Robredo at online news site na Rappler na milyu-milyong kaso ang hindi nila inaasikaso dahil mas inuuna nila ang mga kaso laban sa mga kritiko ng administrasyon.

Matatandaang iniulat ng Rappler na aabot sa 1.3 million cases ang natanggap ng OSG nitong 2017 at umabot sa 1.07 million nitong katapusan ng 2018.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila nitong Linggo, binanggit ni Robredo ang backlog at sinabing si Solicitor General Jose Calida ay ipinaprayoridad ang sedition complaint laban sa kanya at sa mga taga-oposisyon, maging ang pagiging abogado ng mga Marcos.


Paliwanag ng OSG – ang tinutukoy na backlog nina Robredo at Rappler ay mga nakabinbing kaso sa korte at quasi-judicial bodies at hindi ang mga kasong hindi pa nila nadidinggin.

Dagdag pa ng OSG – hindi dapat ituring na backlog ang mga nakabinbin na kaso.

Iginiit din nila na hindi ang OSG ang rumeresolba ng mga kaso, ang main function nito ay mag-render ng legal services sa client government services.

Mandato rin ng OSG na magbigay ng legal assistance kay Peter ‘Joemel’ Advincula na siyang nag-akusa sa mga miyembro ng oposisyon sa planong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinasinungalingan ng OSG na nagpapa-abogado si Calida sa mga Marcos.

Facebook Comments