OSG Jose Calida, ipinagtanggol ang NTC

Ipinagtanggol ni Solicitor General Jose Calida ang National Telecommunications Commission (NTC) matapos batikusin dahil sa closure order sa ABS-CBN.

Ayon kay Calida – hindi dapat sisihin ang NTC na sumusunod lamang din sa batas na nagsasabing hindi nito maaaring payagang makapag operate ang isang broadcasting company ng walang valid franchise mula sa Kongreso.

Aniya, 2016 pa nakabinbin sa Kongreso ang panukala hinggil sa renewal ng prangkisa ng Kapamilya network pero hindi ito inaksyunan ng Kongreso.


Kasabay nito, giit naman ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza na nasa Kongreso ang pagkukulang.

Aniya, hindi kasi nagtrabaho ang Kamara para talakayin ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Noon pa man aniya ay nanawagan na siya sa mababang kapulungan na aksyunan ang aplikasyon, aprubahan man ito o hindi ng Kongreso.

Dagdag pa ni Atienza, kung gugustuhin lang talaga ng Kamara na magtrabaho ay magagawa nitong desisyunan ang aplikasyon ng ABS-CBN sa loob ng maghapon.

Facebook Comments