Bumuo na ang Office of the Solicitor General (OSG) ng dalawang team na masusing mag-aaral sa implikasyon ng claim ng Pilipinas sa Sabah.
Kaugnay ito ng French Arbitral Award na pumabor sa proprietary claim ng heirs ng Sultanate of Sulu.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na tila pribadong ari-arian ang sangkot sa nasabing arbitral award.
Nagkusa aniya ang OSG na pag-aralan kung ang award ay may implikasyon sa matagal nang claim ng Pilipinas sa Sabah.
Ang isang grupo aniya sa OSG ay tututok sa historical basis ng Sabah claim ng Pilipinas habang ang isa ay aalamin ang pinagmulan at ang estado ng arbitration ng descendants ng sultan ng Sulu.
Facebook Comments