OSG, may option na kaugnay ng imbestigasyon ng ICC sa war on drugs sa nakalipas na administrasyon

May nakalatag nang mga option si Solicitor General Menardo Guevarra kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC), hinggil sa war on drugs sa nakalipas na administrasyon.

Sinabi ni SolGen. Guevarra na isa sa mga option ay ang ay usapin sa hurisdiksyon ng ICC o “admissibility” ng kaso.

Ikalawa, ay ang pagpapanatiling bukas ng komunikasyon sa ICC.


Sinabi ni Guevarra na ang usapin sa ICC ay tatalakayin ng Office of the Solicitor General sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DOJ), international law experts at sa Office of the President.

Una rito, pinagkokomento ng ICC ang Pilipinas sa kahilingan ng prosekusyon na muling buksan ang imbestigsyon sa mga nasawi sa “war on drugs.”

Ang Pilipinas ay binigyan ng hanggang Sept. 8, 2022 para ilahad ang mga obserbasyon; samantala inatasan din ng ICC ang victims participation and reparations section o VPRS na kunin din ang pananaw ng mga biktima.

Magugunitang iginiit ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi na kasapi ng ICC ang Pilipinas, dahil kumalas na ito noong March 2019.

Facebook Comments