OSG, nalugod sa pagpapatibay ng SC sa martial law extension

Ikinalugod ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon sa OSG, ang nasabing desisyon ng Supreme Court (SC) ay makakatulong ng malaki sa pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon.

Makakadagdag din aniya sa pagkakaroon ng katahimikan sa Mindanao ang matagumpay na resulta ng Bangsamoro plebiscite sa rehiyon.


Sa 9-4 na boto ng mga mahistrado ng Korte Suprema, binasura ng kataas-taasang hukuman ang mga petisyon kontra sa martial law extension sa Mindanao.

Facebook Comments