Patuloy na inaaral ng Office of the Solicitor General (OSG) ang iba pang legal na hakbangin laban sa China.
Kasunod ito ng pagkasira ng mga likas na yaman sa West Philippine Sea.
Partikular ang sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa mga na-diskubreng crushed corals sa Sabina o Escoda Shoal na pinaniniwalaang bahagi ng planong pagtatayo ng Tsina ng artipisyal na isla.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, isa lamang ang pagsasampa ng Environmental Case laban sa China sa mga legal na opsyon ng OSG.
Tumanggi naman si Guevarra na tukuyin ang iba pang hakbangin na maaaring isulong ng pamahalaan laban sa Beijing.
Ipinauubaya naman ng OSG sa DOJ ang posibleng pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Environmental Laws laban sa Tsina.