Inatasan na rin ng Korte Suprema ang Office of the Solicitor General o OSG na tumatayong legal counsel ng pamahalaan na ilabas nito ang mga kopya ng war on drugs ng Philippine National Police.
Sa En Banc Session ng SC sa Baguio City, iniutos ng Supreme Court sa OSG na bigyan ng kopya ng ulat ng war on drugs ang mga petitioner na kumukwestyon sa malawakang kampanya ng pamahlaan kontra iligal na droga.
Ang direktiba ng Kataas-Taasang Hukuman ay kasunod ng pagtatalaga nito kay Associate Justice Diosdado Peralta para
Makikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para sa listahan ng mga judge na konektado sa illegal drug trade sa bansa.
Una nang tinukoy ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino na bukod sa sampung prosecutors ng pamahalan, may labing-tatlong hukom ding sangkot sa illegal drug operation.