OSG, pinagsusumite ng SC ng periodic report ng DND kaugnay ng Martial Law sa Mindanao

Inatasan ng Supreme Court en banc ang Office of the Solicitor General na magsumite sa Biyernes ng tanghali ng monthly o periodic report ng Defense Department sa Kongreso kaugnay ng implementasyon ng martial law sa Mindanao para sa taong 2018.

Ang nasabing Reports ay para lamang sa reference ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

May kinalaman ito sa mga petisyon ng opposition congressmen o ng Magnificent 7 at ng Makabayan bloc, gayundin ni dating COMELEC Chairman Christian Monsod kaugnay ng ikatlong martial law extension sa Mindanao.


Sa January 29 itinakda ng Korte Suprema ang oral arguments matapos na pag-isahin ang tatlong petisyon.

Facebook Comments