OSG, walang natatanggap na kahilingan ng ICC na ilagay sa Interpol Blue Notice si Senador Dela Rosa

Nilinaw ni Solicitor General Menardo Guevarra na wala siyang natatanggap na report kaugnay ng sinasabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na kahilingan ng International Criminal Court (ICC) prosecutors, na ilagay sa Blue Notice ng Interpol si Senador Ronald Dela Rosa at apat na dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa drug war probe.

Sinabi ni Guevarra na walang opisyal na koneksyon si Trillanes sa ICC kaya maaaring nakuha niya ang impormasyon sa mga tao na nagtatrabaho sa ICC.

Minaliit din ni Guevarra ang sinasabing Blue Notice na aniya’y katulad lamang ng Immigration lookout bulletin order.


Nilinaw din ni Guevarra na hindi maaaring arestuhin ang nasa Blue Notice ng Interpol.

Facebook Comments